Pula, Asul at Dilaw
Pangunahing Kulay ng bandila ng Pilipinas?
Ang sagot mo ay wagi.
Ito rin ang tatlong pangunahing kulay o “Primary Colors” sa ingles.
Kung pagsasamahin ang tatlong ito, samu't saring kulay ang mabubuo.
Gayon din sa ating mga Pilipino:
Pula para sa pag-ibig sa bansa at sa kapwa
Asul para sa katapatan at kalayaan
Dilaw para sa mga masasayang ngiti at pananaw natin sa buhay
Kapag pinagsama ang mga katangiang Pinoy na ito,
Tiyak na sa buong mundo tayo ay lalago!
At ang puti?
hindi ito tinuturing na isang kulay,
ito'y pantay sa anumang bagay,
Ito ang nagsisimbulo ng Pinakadakila sa lahat.
Ang kadakilaan ng ating Panginoong Lumikha
Kung wala Sya, wala rin saysay ang lahat.
Kaya matuwa ka Pinoy dahil Pinoy ang kulay mo!
Sa katangian mong Pula, Asul, Dilaw at Puti
Na kaloob sa atin ng Dakilang Lumikha,
Maraming bagay ang iyong mamimithi!
Pula, Asul, Dilaw at Puti!
Sunday, August 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment